top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Malinaw ayon sa birthday... BIYUDA NA NAKATAKDANG MAGING MALIGAYA ANG BUHAY-PAG-IBIG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 28, 2019
  • 3 min read

Dear Maestro,

Ako ay biyuda at gusto kong malaman kung ano ang aking masusuwer­teng numero, kulay at araw?

Nabiyuda ako noong January 2019 at sa kabila nito, marami pa ring tuk­so, lalo na sa biyudang tulad ko.

Hindi ako nagsasalita ng tapos, kasi para sa akin, kung may darating, may darating, kung wala naman ay okay lang.

Gayunman, nais kong malaman kung halimba­wang muli akong iibig at mag-aasawa, magiging maligaya kaya ang ika­lawang pag-aasawa ko o mas dapat na iwasan ko na lang ang mga tukso at mag-concentrate na lang ako sa negosyo at sa pag­papalaki ng aking mga anak? January 12, 1975 ang birthday ko.

Umaasa,

Ms. Capricorn ng Paltok, SFDM, Quezon City

Dear Ms. Capricorn,

Puwede ka namang magpatukso higit lalo kung makasisiguro ka na katug­ma mo ang lalaking iibigin mo at tutukso sa iyo.

Siyempre, kailangan din namang binata at wala ring sabit o walang pana­nagutan sa buhay tulad mo ang lalaking papatulan mo.

Sapagkat kung ikaw ay biyuda, hindi masa­mang muli kang umibig, magmahal, mag-asawa at bumuo ng pamilya upang habambuhay ng lumi­gaya.

Samantala, kung muli kang mag-aasawa, tandaan mo lamang na ang ka-compatible ng zodiac sign mong Capricorn ay silang mga lalaking isinilang sa zodiac signs na Taurus, Cancer, Virgo at kapwa mo Capricorn habang ang dapat mo namang iwasan ay ang mga Leo.

Bukod sa nasabing mga zodiac sign, higit na mas magaling kung ang kanilang mga birth date ay 5, 14, 23, 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 3, 12, 21 at 30 upang makasigurado ka ng masagana, maligaya at panghabambuhay na pag-aasawa.

Hinggil naman sa ma­suwerte mong kulay at araw, kung pagbabasehan ang birth date mong 3, mapalad ka sa mga kulay violet, red at asul, puwede mo ‘yang pagpalit-paliting isuot sa tuwing sasapit ang mga petsang 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27 higit lalo kung ang nasa­bing mga petsa ay nata­pat sa mga araw ng Mar­tes, Huwebes at Biyernes.

Samantala, kung ang pagbabatayan naman ay ang zodiac sign mong Cap­ricorn at destiny number mong 8, (1+12+1975= 1988/ 19+88=107/10+7= 17/ 1+7=8), mapalad ka rin sa mga kulay na hina­ngo sa lupa at metal, basta kakulay ng lupa at metal, puwede mo ‘yang isuot o gamitin higit lalo sa mga petsang 8, 17, 26, 4, 13, 22, 31, 5, 14 at 23, lalo na kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa mga araw ng Sabado, Miyerkules at Linggo.

Bukod sa kulay ng me­tal at lupa, mapalad ka rin sa mga kulay dilaw at ber­de kung saan maaari mo namang isuot ang kulay na berde tuwing sasapit ang mga petsang 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25 higit lalo kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa araw ng Lunes habang isuot mo naman ang kulay dilaw tuwing sasapit ang mga petsang 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22, at 31 higit lalo kung ang nasa­bing mga petsa ay natapat sa araw ng Linggo.

Samantala, bukod sa lahat ng numerong tinata­wag na series of 3, 6, 9, buwenas ka rin sa mga numerong 7, 16, 25 at sa lahat ng numerong may mga sumatutal na 7 at 5 (5, 14, 23, 32, 41 at iba pang kauri nito).

Ayon sa Decadens ng Kapalaran, kusa namang aangat ang graph ng pag-unlad at kaligayahan sa lahat ng aspeto sa iyong buhay, gayundin sa pag-ibig, kaya puwede ka na muling magmahal at ma­kapag-asawa sa taong 2021, sa edad mong 46 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page