Mag-endorso lang ng partylist… KALAT NA: ALEX, BINAYARAN NG P4 MILYON


IDINENAY ng mga nominees ng Juan Movement Partylist na sina Jhun Llave, Nico Valencia at Mark Boado na binayaran nila ng P4 milyon si Alex Gonzaga para lang iendorso sila sa May, 2019 elections.
Anila, inalok nilang mag-member sa Juan Movement Partylist si Alex at ipinakilala rito ang mga advocacies nila kapag naupo sa Kongreso — at ‘yun ay maibalik ang patriotismo ng bawat Pilipino sa bansa sa pamamagitan ng mga ipapasa nilang batas.
Gusto raw nilang tutukan ang edukasyon dahil tinanggal ang History subject sa Junior High School at gusto nilang maibalik ito para hindi makalimutan ng bagong henerasyon ang ating pinagmulan at manatili ang pagmamahal sa bayan.
Gusto rin nilang makatulong sa movie industry at malaking tulong daw ang suporta nina Alex at Arnell Ignacio na maipaalam sa kanila ang mga problema ng industriya tulad ng paghina ng Filipino films sa takilya.
Paliwanag din ng Juan Movement Partylist nominees, agad nagustuhan ni Alex ang advocacies nila kaya nag-volunteer na itong tutulong at kumanta pa nga ng campaign jingle nila.
Maging si Arnell Ignacio ay naniniwala sa advocacies ng grupo at aniya, mas gusto niyang sumuporta kesa maging nominee dahil nakakahiya naman daw na galing siya sa gobyerno (sa OWWA), nag-resign siya para tumakbo bilang partylist representative.
So, nag-volunteer na lang din daw siya sa Juan Movement Partylist at ikinakampanya ang grupo.





Comments