top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kelot natagpuang patay sa motel

Pabs Hernandez III
Apr 28, 2019
1 min read

CAGAYAN DE ORO CITY—Isang lalaki ang natagpuang patay, kamakalawa sa loob ng isang motel sa Bgy. Kauswagan sa lungsod na ito.

Ang biktima ay si George Mendez, residente ng Bgy. Patag sa nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, bago natagpuang patay si Mendez ay pumasok ito sa motel na may kasamang hindi kilalang babae na makalipas ang ilang oras ay umalis din at nang magtungo ang mga kawani sa kuwartong inokupahan ng dalawa ay dito natagpuan ang bangkay ng biktima.

May hinala ang mga awtoridad na namatay sa pakikipagtalik si Mendez at sa ngayon ay pinaghahanap na ng pulisya ang babae upang matanong tungkol sa pagkamatay ng biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page