Feeling confused kung mag-i-stay sa pamilya kahit hindi na masaya

Dear Roma,
Ako si Clark, 35 years old. May dalawa na akong anak sa live-in partner ko. Hindi ko talaga mahal ang kinakasama ko at alam niya ‘yun, pero mapilit talaga siya at mahal daw niya ako. Noong una, lasing lang ako at wala sa sariling katinuan kaya hindi ko alam ang mga pinaggagawa namin nu’ng gabing nagkainuman kaming dalawa. Sinabi niyang ako ang ama ng dinadala niyang bata. Ayaw kong maniwala, ngunit, nang maisilang niya ang sanggol ay dama ko na ako ang ama at hindi maikakaila sapagkat may pagkakahawig ito sa akin. Dahil sa anak ko, napagpasyahan kong huwag silang iwanan kahit pa hindi ko talaga mahal ‘yung babae. Dapat ko bang iwanan ang ina ng mga anak ko gayung nagkakasundo na kami ng babaeng tunay na minamahal ko at bigyan na lamang ng sustento ang aming dalawang anak kung sakaling hindi sila ibibigay sa akin ng kanilang ina? — Clark
Clark,
Una sa lahat, 'tol, isipin mo muna ng ilang libong beses ang gagawin mong desisyon. Kung iiwanan mo ang ina ng mga anak mo para sa babaeng hindi ka sigurado kung mamahalin ka rin ba ng pangmatagalan tulad ng pagmamahal niya, sa tingin mo ba mapabubuti nito ang buhay mo at buhay ng mga anak mo? Kung hindi mo pala siya mahal, sana hindi na kayo nag-anak ulit. Ang tunay na essence ng pagiging magulang ay hindi matutumbasan ng anumang halaga ng pera. Kung talagang iniisip mo ang kapakanan ng mga anak mo, magpakaama ka para sa kanila. Sa huli, desisyon mo pa rin ang susundin mo. Sana lang ay huwag kang magsisi sa anumang desisyong gagawin mo. Good luck, 'tol!





Comments