top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Bus tumaob, 23 nadale

Jeff Tumbado
Apr 28, 2019
1 min read

ISA ang patay habang nasa 22 ang sugatan makaraang tumaob ang kanilang sinasakyang pampasaherong bus sa Maria Aurora, Aurora, kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Filipinas Lim, 51-anyos.

Base sa inisyal na ulat, sakay sa Joy Bus Line (TXZ 585) ang mga biktima nang mawalan ito ng kontrol habang binabagtas ang pababang bahagi ng kalsada ng national highway sakop ng Bgy. Dianawan, alas-6:10 ng umaga.

Dumausdos ang bus hanggang sa tumaob ito na nagresulta sa pagkasawi ni Lim.

Dinala na sa magkakahiwalay na ospital ang mga nasugatang pasahero.

Boluntaryo namang sumuko ang 40-anyos na driver na si Jesus Onod na nahaharap sa patung- patong na kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page