BIG GAME, IPINAMALAS NG SUPREMOS; SHOELANDERS, NAKALUSOT SA M-LEAGUE
- BULGAR

- Apr 28, 2019
- 2 min read

ITINARAK ng Caloocan Supremos ang malaking panalo laban sa home team na Solid San Juan sa Metro League Reinforced (2nd) Conference noong Huwebes ng gabi sa San Juan Gym.
Pinalakas ng Supremos ang depensa sa papakulapsong oras nang manaig sa Solid San Juan, 25-9, at idikit sa 65-58 lead hanggang makapagdomina ng 23-puntos na pananambak na panalo at makasampa sa top spot ng North Division sa kartang 3-1 win-loss slate.
Umiskor si Joseph Brutas ng 22 points mula sa nagawang anim na tres para makalamang ang Supremos habang nakasuporta ang 4 players sa binasket na double digit outputs nina Johnnel Rey Bauzon na may 18 puntos sa loob ng 20 minuto at ni Robbie Darang na may triple double sa 16 points, eight rebounds at eight assists.
Impresibo ang kampanya ni Michael Canete sa 18 points at 13 rebounds pero kulang pa rin para sa Solid San Juan na umislayd sa 1-3 marka sa South Division.
Sa iba pang laro, nakalusot sa panalo ang Marikina Shoelanders sa isang puntos lamang, 64-63, kontra Pateros-Metro Asia at inirehistro ang unang panalo sa M-League na itinaguyod ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Philippine Basketball Association (PBA).
Samantala, patuloy na tumatanggap ang St. Joseph Academy sa Las Piñas ng enrollees sa Best Center clinics para sa basketball at volleyball na nagsimula noong Abril 21 at magtatapos sa Mayo 26 sa campus na katabi ng makasaysayang Bamboo Organ Church. Ayon kay Basketball Efficiency and Scientific Training Center founder Nic Jorge, dating national player at coach na ang Sundays-only sessions, ay magsisimula ng 8 a.m. to 12 noon; para sa impormasyon ay mag-email sa bestcenter. inquiry@gmail.com.
Sinabi ni Jorge na ang basketball clinics ay para sa Preparatory Level sa edad 5 hanggang 8 at sa Levels 1 at 2. Ang volleyball clinics ay nasa Level 1 sa mga estudyanteng edad 8-years old pataas. (MC/ATD)





Comments