top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

15-anyos niratrat sa computer shop

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 28, 2019
1 min read

DEDO ang 15-anyos na binatilyo makaraang pagba­barilin ng mga hindi kilalang salarin sa General Santos City.

Batay sa imbestigasyon, alas-8:00 ng gabi, naglalaro ng computer ang biktima sa loob ng internet shop sa Bgy. Labangal nang bigla siyang hablutin ng lalaking naka-helmet at facemask.

Hanggang sa sunud-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa lugar.

Tumakas ang gunman sakay ng motorsiklo na mi­namaneho ng isa pang hindi kilalang salarin.

Napag-alamang na­sangkot na sa kasong pagna­nakaw ang biktima na iti­nanggi naman ng ina nito. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page