top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Tserman todas sa riding-in-tandem

Jeff Tumbado
Apr 27, 2019
1 min read

PATAY ang kasalukuyang kapitan ng barangay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Las Navas, Northern Samar, kamakalawa.

Dalawang tama ng bala ng baril sa ulo ang sanhi ng agarang pagkasawi ng biktimang si Apolinario Lebico, 62, kapitan ng Bgy. San Miguel.

Ayon kay Police Lt. Col. Rafael Tayaban, alas-4:30 ng hapon nang barilin ang biktima sa boundary ng Bgy. Quirino at San Jorge, Las Navas.

Sakay umano ng kanyang motorsiklo ang biktima nang sabayan at pagbabarilin siya ng lalaki na angkas ng isang motorsiklo.

Napag-alaman na kasama ng biktima ang kanyang manugang na si Jeremy Capoquian na nasugatan din nang tamaan ng bala sa kanyang kanang kamay.

Pauwi na ang mga biktima nang sila ay tambangan habang tumakas ang mga salarin patungo sa Bgy. Quezon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page