top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

SUAREZ, ABANGAN KONTRA INDONESIAN SA TAGUM CITY

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 27, 2019
2 min read

IPAMAMALAS ni boxing champion Charly Suarez ang kanyang galing upang muli niyang mabigyan ng karangalan ang bansa matapos lisanin ang national team at ganap na sumampa sa professional boxing noong 2018.

“Hindi naman nawawala ‘yung kagustuhan natin na makapagbigay ng karangalan sa bansa. Nasa dugo na talaga ng bawat atletang Pilipino ‘yun,” ayon kay Suarez nang tanungin hinggil sa naging desisyon na maging isang pro boxer nang bumisita sa 19th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramu­ros kamakalawa.

Umaasa ang 30-anyos na veteran ng Rio Olympics na maging sunud-sunod ang panalo sa sandaling magtagum­pay sa laban kay Waldu Sabu ng Indonesia sa Mayo 10 para sa interim Asian World Boxing Championship Super Featherweight Title sa Davao del Norte Sports Com­­plex sa Tagum City.

Hindi man masabi ni Suarez ang mabi­lisang pagliligpit sa kasagupa, pero nangakong tata­lunin ang mas batang Indonesian champion sa harap ng kanyang provincemates sa Tagum. “Magaling din ‘yung kalaban, lalo na may na-knockout na rin siyang dalawang Pilipino. Pero maganda naman ang kondisyon ko ngayon at puspusan ang ensayo under my coach-trainer Delfin Boholst” ani Suarez.

Si Suarez, na umangat ang kredibilidad nang pagwagian ang gold medal noong 2014 Asian games sa Incheon at gold sa Southeast Asian Games noong 2009 at 2011, bitbit ang karanasan bilang amateur fighter sa ilalim ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) ang nagpatibay sa kanya sa international ring.

Pinabagsak ng taga-San Isidro, Davao del Norte, na ngayon ay nasa kalinga ng Mabuhay Promotions ni owner-founder Jilson Basang, ang kanyang pro na si Ernesto Cagampang sa Cagayan de Oro noong Enero 16, 2019. Nasundan ng isa pang knockout victory kontra Justin Cabarles para maangkin ang bakanteng MinProBA lightweight crown sa Davao del Norte noong Marso 5.(MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page