top of page
Pokwang.jpg

Pulis binentahan | LOLO TIMBOG SA SHABU

Maeng Santos
Apr 27, 2019
1 min read

ARESTADO ang 63-anyos na mangingisda na sideline umano ang pagtutulak ng iligal na droga matapos magbenta ng shabu sa pulis sa ikinasang buy-bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Rolando M. Balasabas ang nadakip na si Isagani Malaca alyas Nani, ng Bgy. Tangos, South.

Ayon kay PCpl Eldefonso Torio, alas-11:30 ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni PLt. Eric Roxas sa koordinasyon sa PDEA sa Abiola Street, Tangos, kontra sa suspek.

Nagawang makaiskor sa suspek ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P200 ang isa sa operatiba na nagpanggap na poseur-buyer. Nang iabot ng suspek ang sachet ng shabu sa poseur-buyer kapalit ng marked money, agad itong inaresto at narekober sa kanya ang buy-bust money at 10 pang piraso ng plastic sachets ng hinihinalang shabu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page