MY LOVELY YANA, PABOR SA PCSO
- Ding Taboy
- Apr 27, 2019
- 2 min read

MAGKAKASUBUKAN ngayong hapon at gabi ang mga kalahok sa siyam na karerang bibitawan kasabay ng PCSO Special Made Race (3 Year Old Open) sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas.
Nakalinya ngayon ang 3 YO Maiden Race, Condition Race, PCSO Special Maiden Race (3YO Open), 3 Year Old & Above Maiden Race, 3 Year Old Group Race at Condition Race Merged (10).
Sa Race 1, kasabay ng pagsisimula ng 1st Winner Take All (WTA) pinapaboran ang mga kalahok na sina Shining Shelltex at Classy Babe. Susunod na pagsisimula ng Pick 5 sa Race 2, pinapaboran ang Red Lion kontra sa couple entry na Dangerous Willie, Calaguas Island at Kay Tagalog.
Sa Race 3 magaganap ang PCSO Special Maiden Race (3 Year Old Open) kasabay ng 2nd WTA, paglalabanan ng mga kalahok na My Lovely Yana, Weather Lang, Sir Joaquin, The Believer at Ava’s Tale. Ang mananalo sa karerang nabanggit ay mag-uuwi ng P800,000. Tatanggap ng halagang P250,000 ang 2nd place at P150,000 ang mapupunta sa 3rd placer. Susunod ang Race 4 kasabay ng Pick 6 sa pag-alagwa ng 3YO & Above Maiden Race at pinapaboran ang Dansalan laban sa Manang Biday, Bullish Desire at Gonzee’s Bet.
Magsasagupaan ang mga magagaling na kabayo gaya ng Boss Emong, Harapin ang Bukas at Ready Set Go sa Race 5 kasabay ng 2nd Pick 5 event. Nakalalamang ang Gentleman Jim sa mga kalabang Jade Master, Stay Ready at Highway Hills sa Race 6.
Sa Race 7, bakbakan ang magaganap sa mga kalahok na Most Trusted, Kingship, WeeMissJerre, Sooner Time at Haring Bastos. Napipisil ko ang Haring Bastos at Most Trusted. Magiging paratingan ang Manila Bay, habang magiging banta ang couple entry na Prince Popeye, Samantha’s Best at Batas Kamao sa pag-alagwa ng Race 8.
Mag-uunahan ang mga kalahok na Magaskawee at Avenue Shopper sa Race 9 at pangdehado ang Panatag Shoal. Tip Ni Mang Ding: Race 1-Classy Babe (6) Shining Shelltex (2) Race 2 Red Lion (8) Entry No.3 Entry No.2 Race 3-My Lovely Yana (9) Weather Lang (5) Race 4- Dansalan (5) Manang Biday (4) Race 5- Boss Emong (5) Entry No.2 Ready Set Go (1) Race 6-Gentleman Jim (3) Jade Master (2) Race 7-Most Trusted (3) Haring Bastos(7) Kingship (1) Race 8- Manila Bay (4) Entry No.6 Race 9- Magaskawee (7) Avenue Shopper (2)





Comments