Motor sumalpok sa van, 2 dedo

DEAD-ON-THE-SPOT ang dalawang 20-anyos na binata makaraang sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa van sa Laoag City, Ilocos Norte.
Kinilala ang mga nasawi na sina Santiago Santos, Jr. at Claudio Ramos, habang ang suspek na drayber ng van ay si Edwin Romero, Jr.
Papauwi na ang magkaibigan galing sa panliligaw at habang binabaybay ang national road sa Bgy. Baracbac, hindi nila napansin ang kasalubong na van kung saan sumalpok ang mga ito.
Agad namang nagtungo sa himpilan ng pulisya ang drayber ng van upang ayusin ang kinasangkutang insidente.





Comments