Lider ng highway boys criminal gang, timbog
- Madel Moratillo
- Apr 27, 2019
- 1 min read

ARESTADO sa buy-bust operation sa Cainta, Rizal ang itinuturong lider ng notoryus na Highway Boys Criminal Gang at isa pang babae kahapon.
Ayon sa Cainta Municipal Police Station, kinilala ang mga suspek na sina Rolando Mercado alyas Barry at Jayramie Legaspi, 29, kapwa kasama sa drug watchlist ng mga awtoridad.
Bandang alas-6:00 ng umaga kahapon nang maaresto ng mga awtoridad ang mga suspek sa Bgy. San Andres, Cainta.
Una rito, nakatanggap umano sila ng impormasyon kaugnay sa kinaroroonan ng mga suspek kaya nagkasa ng buy-bust operation at nang magpositibo ang transaksiyon, agad dinakip ang mga suspek.
Nakuha mula sa mga ito ang 20 pakete ng hinihinalang shabu, P2,000 buy-bust money, P800 na hinihinalang drug money at sling bag.





Comments