Kung sila, 8 yrs. na, naghiwalay pa… JODI, NO COMMENT NA IKAKASAL NA SI JOLO SA BEAUTY QUEEN GF


MAIKLI pero magalang na sinagot ni Jodi Santamaria ang tanong nang mahingi ang reaction niya sa alleged engagement ni Vice-Governor Jolo Revilla sa bagong girlfriend nitong si Bb. Pilipinas Angelica Alita.
May nakapansin kasi sa suut-suot na diamond ring ni Angelica nu’ng magkasama silang nagbakasyon ni Jolo sa Boracay this Holy Week. Suspetsa ng marami ay engagement ring na ito na bigay ni Jolo.
Here’s Jodi’s simple reply, “It’s not for me to comment.
“Kasi, you guys know naman that we’re no longer together.”
Eight years din kasing nag-last ‘yung on and off relationship nina Jolo at Jodi bago sila tuluyang naghiwalay.





Comments