Kagawad niratrat, utas

PATAY ang barangay kagawad makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Dalahican Rd., Purok Atis, Bgy. Mayao Crossing, Lucena City, Quezon.
Sa inisyal na ulat, alas-8:16 ng gabi sakay ng kanyang motorsiklo ang biktimang si Ariel Sotomayor, kagawad ng Bgy. Dupay, kasama ang angkas na babae.
Pagbaba ng kanilang sasakyan sa riles nang biglang kausapin ng mga suspek saka mabilis siyang pinagbabaril bago nagsitakas.
Tinamaan naman ng stray bullet ang 15-anyos na lalaki sa kaliwang braso na mabilis na isinugod sa pagamutan. Patuloy na inaalam ang motibo sa krimen.





Comments