top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Dance battle pang-front, 17 bebot biktima | ‘FB BUGAW’, BUKING!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 27, 2019
1 min read

NASAGIP ang 17 babae na ginagamit umano sa prostitusyon sa Cavite.

Batay sa ulat, walo sa mga biktima ay pawang menor-de-edad na ibinubugaw sa halagang P5,000.

Kaugnay nito, naaresto ang isang 17-anyos na siya umanong nagbubugaw sa mga biktima. Niyaya niya ang mga ito sa social media at tinagpo sa Las Piñas.

“Sabi po party lang daw, sasayaw,” ayon sa isang biktima.

Ginamit din umanong pang-front ang isang dance battle o ‘Twerking Battle’ kung saan maaari umanong manalo ng P5,000 ang mga babae.

Giit ng suspek, nitong taon lang niya sinimulan ang pambubugaw at kumikita umano siya ng P1,500 kada babae. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page