Bilang single mom daw… JODI, KUMANTA SA MGA PAGKUKULANG SA ANAK


PAOS na paos si Jodi Santamaria at halos walang boses nang dumalo sa media conference ng pelikulang Man and Wife ng Cineko Productions kung saan ay kapareha niya for the first time si Gabby Concepcion.
Pero napaka-professional naman ng aktres na sinagot lahat ang tanong kahit na nga ba hirap na hirap siyang magsalita at akala mo’y umiiyak dahil sa paos na boses.
Sa pambihirang pagkakataon din ay medyo nag-open-up si Jodi sa kanyang personal life nang matanong sila ni Direk Laurice Guillen kung ano ang failures nila as a mom since Mother’s Day offering ang Man and Wife.
Aminado sina Jodi at Direk Laurice na ang pagkukulang nila sa oras bilang ina ang ikino-consider nilang failure nila as a mom.
“I’m also a working mom and I’m a single mother, so I must say na I haven’t been spending much time with my son ‘coz I had to go to work.
“And also, maybe I have not been successful in giving my child the family that he deserves because hindi naman kaila po sa inyo that my ex-husband and I have been separated for quite sometime already.
“But I am very grateful to the Lord because kahit na ganu’n ‘yung situation at kahit ganu’n ‘yung nangyari, nakikita kong lumalaki nang maayos ‘yung anak ko. ‘Yun lang po, thank you,” sabi ni Jodi.
As we all know, ang tinutukoy na anak ng aktres ay si Thirdy, ang unico hijo nila ng estranged husband na si Panfilo Lacson, Jr. or Pampi for short.
When asked kung ano ang mga “sana” nila bilang ina, medyo teary-eyed din si Jodi nang sabihing... “Kahit ano ang mangyari, mapabuti lang ‘yung anak mo. I think, for me, ‘yun lang talaga ang pinaka-sana ko, na kahit ano ang mangyari, magiging maayos siya, lalaki siyang maayos na mamamayan.”
Si Direk Laurice naman ay malalaki na ang mga anak at nagpapasalamat siya na kahit wala siyang oras sa mga ito noong maliliit pa dahil busy siya sa paggawa ng pelikula ay napalaki naman niya nang maayos at hindi nagrebelde or nalulong sa masamang bisyo.
Samantala, nilinaw ni Direk Laurice na hindi ito remake ng classic hit radio drama and tv soap opera in the 70s and 80s na Gulong ng Palad na pinagbidahan sa telebisyon nina Marianne dela Riva and Ronald Corveau.
Sa paliwanag ni direk, ang Man & Wife ay sequel ng Gulong ng Palad na parang pagpapatuloy lang daw or ‘yung mga “what if” sa kuwento ay dito mapapanood.
Kaya nga raw pinalitan din nila ito ng title. Ang una kasing title ay Gulong ng Palad din.
At dahil nga sequel, siyempre, same characters pa rin lahat. Ginagampanan ni Jodi ang papel na Luisa originally played by Marianne habang si Gabby naman ay si Carding formerly portrayed by Ronald.
Kasama rin sa cast sina Liza Lorena as Menang na biyenan ni Luisa, Edgar Allan Guzman bilang Totoy, Ina Feleo, Denise Laurel, Teroy Guzman, Dexter Doria, Francis Magundayao, Amy Austria at marami pang iba.
Showing na ang Man and Wife ngayong May 8.





Comments