9 lider ng 9 ‘Umbrella Movement’ sa Hong Kong, kulong
HINATULAN ng pagkakabilanggo ang walong namuno sa malawakang 2014 pro-democracy protest matapos pan ng public nuisance offenses.
Pansamantalang ipinagpaliban ang pagbibigay ng sentensiya sa isa pang akusado na si Tanya Chen dahil kailangan umano nitong sumailalim sa surgery.
Ang pagsentensiyang ito ay maituturing umanong pagsusumikap ng gobyerno sa semi-autonomous Chinese territory na magbigay-babala tungkol sa pagpoprotesta.
Gayunman, tatlo sa mga akusado ay ikukulong ng 16 buwan, ang isa ay dalawang taon, ang dalawa ay walong buwan habang ang dalawa ay sinuspinde ng walong buwan habang ang isa pa ay magsasagawa ng 200 oras na community service.
Ang siyam na akusado ang nagsimula ng “Occupy Central Campaign” kung saan inorganisa ito bilang non-violent sit-in na nakilala bilang “Umbrella Movement”.
Dito nagpoprotesta ang mamamayan tungkol sa kanilang karapatan sa malayang pagpili ng kanilang kandidato bilang bagong mamumuno sa Hong Kong.





Comments