top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

6 yrs. old nag-swimming sa quarry site, tigok

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 27, 2019
  • 1 min read

DEDO ang 6-taong gu­lang na babae maka­raang malunod sa quarry site sa Padsan River sa Bgy. Zam­boanga.

Kinilala ang nasawi na si Denise Joy Tejada, ng Bgy. Araniw.

Ayon sa kanyang ama na si Noriel, naligo si Denise kasama ang 7-taong gulang na kapatid na babae habang nangu­nguha naman silang mag-asawa ng shell sa ilog.

Nagtaka na lamang ang mag-asawa nang alas-5:00 na ng hapon ay wala pa rin ang bata.

Kinabahan na ako kaya sumisid ako sa ilog dahil alam kong nan­doon siya,” ani Noriel na nagta­­trabaho bilang back­­hoe ope­rator sa quarry site. Gayunman, matapos ang dalawang oras na pag­hahanap, nakita ang biktima na wala nang malay 300 metro ang layo mula sa lu­gar kung saan posibleng na­lu­nod ang bata. Dinala pa ito sa paga­mutan subalit, idineklara nang dead-on-arrival. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page