Pumalag sa holdap | PULIS BINARIL

HINOLDAP ang isang pulis na ngayon ay nasa kritikal makaraang barilin sa Parañaque City.
Ginagamot sa ospital si Police Senior Master Sgt. Rodolfo Mondragon, 41, nakatalaga sa Crime Laboratory Office, Camp Crame, sanhi ng tama ng bala ng baril.
Sa kay Police Brigadier General Eliseo Cruz, naganap ang insidente alas-3:53 ng madaling-araw sa harapan ng isnag eskuwelahan.
Ipinaparada ng biktima ang kanyang motor nang holdapin ng mga suspek at nang umalma ay agad siyang binaril.





Comments