Paglibot ng PCUP hatid ang serbisyo-publiko sa masa, abangan!


Patuloy na gumagawa ng hakbang ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) upang makapaghatid ng tulong sa mga maralitang Pilipino sa buong bansa. Habang tumatagal ay inaasahan nating mas darami pa ang mapupuntahan natin upang mabigyan ng libreng serbisyo ng gobyerno.
Tulad ng nabanggit sa mga nakaraang isyu, handog ng PCUP ang three priority programs para mapagaan ang buhay ng madla. Ito ay anG Urban Poor Privilege Card, Adopt-a-Community at PCUP Caravan.
Tanong: Magandang araw, Sir Alvin! Gusto kong malaman kung saan ang mga susunod na pupuntahan ng inyong caravan? Maraming salamat! — Clark
Sagot Magandang araw din, Clark! Maraming salamat sa iyong pagsubaybay sa ating column. Ang PCUP Caravan ay naglalayong makalibot sa iba’t ibang parte ng bansa upang makapaghatid ng direktang serbisyo sa mga tao.
Inaasahang ngayong Mayo ay magkakaroon tayo ng apat na caravan. Tayo ay nasa Naval, Biliran, Leyte ngayong Mayo 21 at sa Ibalong Centrum Recreation Center, Legazpi City ngayong Mayo 24, tayo rin ay nasa Bgy. 184, Pasay City ngayong Mayo 29, pupunta rin tayo sa Bgy. Poblacion Monkayo, Compostella Valley ngayong Mayo 31.
Ang mga caravan na ito ay maghahatid sa mga maralita ng libreng serbisyong medikal at dental (DOH, PhilHealth, PCSO), job fairs (DOLE, DTI. TESDA), legal assistance (PAO) at iba pa.
Para sa inyong kaalaman, mula nang inilunsad ang programang ito noong Pebrero ay tinatayang nasa 16,000 katao na ang natulungan natin.
Kung kayo po ay interesado, may katanungan o suhestiyon, maaari po kayong bumisita o mag-message sa PCUP Official FB Page na www.fb.com/pcupPH, hanapin ang hashtag na #PCUPatyourService o mag-email sa pcup.media2019@ gmail.com upang higit pang matutunan ang tungkol sa ahensiya ng mga maralita.





Comments