top of page
Pokwang.jpg

Misis ni Ogie, natauhan… REGINE, AMINADONG BINASTOS SI DFA SEC. TEDDY LOCSIN

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 26, 2019
2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

PALAKI na nang palaki ang isyung kinasasangkutan ni Regine Velasquez na nag-ugat sa pagsagot niya sa kontrobersiyal na tweet ni DFA Secretary Teddy Locsin, Jr. tungkol sa pangunguha ng mga Chinese fishermen ng giant clams sa Scarborough Shoal.

Mas uminit ang isyung ito nang magbitiw ng masasakit na salita ang komentaristang si Ben Tulfo kontra sa ginawang pagsagot ng Asia’s Songbird sa problemang kinakaharap ng ating bansa.

Kaya kahapon (April 25), nanawa­gan ang Asia’s Songbird na tapusin na ang isyu sa pagitan nila ni Sec. Locsin.

Sa unang tweet ni Regine kahapon nang umaga, nagpasalamat siya sa mga taong nagtanggol at sumuporta sa kan­yang ihayag nang malaya ang saloobin niya.

Aniya, “Hi, guys, gusto ko lang mag­pasalamat sa pagtatanggol n’yo sa ‘kin. Pero isantabi na po natin ito at humahaba na ng humaba.......

“Salamat sa pagtatanggol n’yo sa ating karapatang ihayag ng malaya ang ating mga saloobin.”

Sa sumunod na tweet, nakiusap si Regine na magkaroon ng kapatawaran at gumawa na lamang ng mga bagay na makakatulong sa ating kapaligiran.

Aniya, “But for now, let us all focus on healing and forgiving each other.

“Sa ngayon, I think mas makaka­tulong tayo kung gagawa tayo ng isang bagay para sa ating kalikasan kahit maliit na bagay lang.......”

Dagdag pa niya, “Ang hindi mag­tapon ng basura kung saan-saan.

“Maging responsible tayong lahat at magtulungang panatilihing malinis at maganda ang ating kapaligiran.”

Nagbigay din ng paliwanag si Regine tungkol sa naging sagot niya kay Sec. Locsin at inaming nagkaroon din siya ng pagkukulang.

Aniya, “I answered a tweet that for me was disrespectful to all of us but didn’t realise that I was disrespectful of him too. I’m not proud of that.

“But still, this is about people destroying Mother EARTH. it’s the only one we have and so let us love and protect Her. [crying emoji].”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page