top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Magsasaka, walang koneksiyon sa NPA — AFP

Gina Pleñago
Apr 26, 2019
1 min read

BINIGYANG-LINAW ni Maj. Gen. Rhoderick Parayno, commander ng 2nd Infantry Division, Philippine Army na hindi lahat ng nasa listahan ng mga iniuugnay na partylist group sa teroristang New People’s Army (NPA) ay tunay na konektado rito.

Kasunod ito ng pagkakalathala sa social media at ilang diyaryo tungkol sa umano’y 23 partylist organizations na mino-monitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa koneksiyon sa mga rebelde.

Ayon kay Parayno, napansin nilang napabilang sa listahan ang Magsasaka Inc. na hindi umano nakikisali sa aktibidad ng mga makakaliwang grupo.

Giit pa ng opisyal, maraming pagkakataon na nakatuwang ng Second Infantry Division, Philippine Army ang grupo para bigyan ng livelihood ang ilang mahihirap na mamamayan.

“Kami ang kumilos para sa seguridad ng mga residente at ‘yung grupo nila Dexter Villamin (Magsasaka) naman ang nagbigay ng livelihood program du’n sa mga dating ginugulo ng mga NPA,” paliwanag ni Parayno.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page