top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

lalo na at matapang ang chlorine at maalat ang tubig sa dagat, besh! TIPS PARA MAPANGALAGAAN ANG BUH

Donna Thea Topacio
Apr 26, 2019
1 min read

MASARAP lu­mangoy sa pool o beach, ‘yun nga lang iba ang dulot nitong hair damage. ‘Yung iba, ginagamit pang caption ‘yung ‘salty hair’, pero ang totoo, naiinis na sila dahil sa sobrang pagka-dry nito na dulot ng tubig alat at chlorine mula sa pool. Hays! Don’t worry dahil, narito ang ilang ways kung paano mapanana­ti­ling smooth and silky ang buhok nga­yong usung-uso ang ou­ting:

1. WET HAIR. Ang sabi ng mga eksperto, ma­inam daw na basain ang buhok bago maligo sa pool o dagat nang sa gayun ay maiwasan ang sobrang pagkapit ng chlorine rito. Copy?

2. USE HAT, SCARF OR CAP. Bukod sa napo­protektahan ng sumbrero ang ulo sa init ng sikat ng araw, kaya rin nitong pro­tektahan ang ating buhok sa pagiging dry. Kaya mga beshy, make sure na isasama ninyo sa mga neccessity ang hat, scarf o cap, ha?

3. COMB YOUR HAIR OFTEN. Ooops, ang daming relate, noh? Sa sob­rang pagkasabik sa pagsu-swimming nakalilimutan na nating suklayin ang ating buhok bago mag-dive na maling makasanayan. Kaya suklay-suklay din ‘pag may time. Oki?

4. DRINK PLENTY OF WATER. Dehins la­mang maganda sa kalusu­gan ang pag-inom ng maraming tubig ngayong tag-init dahil kaya rin nitong palusugin ang ating buhok.

5. USE LEAVE-ON CONDITIONER. Sa mga nagpa-bleach nating beshy diyan, kung dry na talaga ang buhok ninyo, ipinapayo na bago mag-swimming ay maglagay muna kayo ng leave-on conditioner nang sa gayun ay hindi ito tulu­yang masira at pumangit.

Ngayong alam na natin ang mga simpleng paraan para maiwasan ang pagka­sira ng ating buhok, oks na kahit kaliwa’t kanang swim­ming pa ang ating gawin. He-he-he!

Enjoy, mga ka-BUL­GAR!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page