top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Lalaking estudyante problemado sa grade, inoperan ni sir | SEX O BAGSAK

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 26, 2019
1 min read

HULI ang isang guro matapos umanong halayin ang kanyang 17-anyos na estudyante sa Cebu.

Tinakot umano ng lalaking guro ang binatilyo na ibabagsak kung hindi papayag sa gusto nito.

Ayon sa pulisya, naaktuhan umano ang panghahalay.

“Tinakot kasi ng guro sa isang unibersidad na ibabagsak talaga siya sa English subject kung ayaw niyang makipagtalik sa guro. May nangyari talaga. Naaktuhan na may sexual act,” ayon kay Police Captain Armando Labora, sa isang panayam.

Itinanggi naman ito ng guro at sinabing nagpamasahe lang siya sa estudyante at ang binatilyo pa umano ang nag-alok nito.

“Walang nangyari sa’min. In fact, pagpasok ng mga pulis, magkalayo kami ng inuupuan,” giit ng suspek.

“He asked me if ano pa raw ‘yung dapat niyang gawin para makapasa siya, para hindi siyang mapagalitan ng parents. So, sabi ko, no, we are not allowed to give special projects. It’s up to you, remedial or summer class na lang’,” dagdag pa ng guro. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page