Konsehal pinagbabaril ng riding-in-tandem, utas

HINDI na pinaporma pa sa darating na halalan ang re-electionist sa pagkakonsehal matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Mamasapano, Maguindanao.
Kinilala ang biktima na si Berto Guiamadel, 55, residente ng Shariff Saydona Mustapha. Ayon kay Police Col. Ronald Briones, naisugod pa sa pagamutan ang biktima pero, binawian din ng buhay sanhi ng ilang tama ng bala ng baril.
Batay sa imbestigasyon, sakay si Guiamadel ng kanyang motorisklo patungong palengke nang pagbabarilin ng dalawang lalaki na lulan din ng dalawang motorsiklo.
Nabatid na una nang nagdesisyon na hindi na umano siya kakandidatong muli dahil sa kanyang kondisyon sa kalusugan.
Nagkaroon umano ang biktima ng mild stroke noong nakalipas na taon. Gayunman, nagbago umano ang isip ng biktima at naghayag na tatakbong muli sa pagka-konsehal ng bayan.
Politika umano ang isa sa mga dahilan ng paglikida sa incumbent councilor habang patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.





Comments