Julia at anak, 'di raw mapanindigan… NETIZENS KAY COCO: SA TV KA LANG MATAPANG! 'DI KA DAPA
- BULGAR

- Apr 26, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

NA-SHOCKED ang netizen sa rebelasyon ng talent manager na si Ogie Diaz hinggil sa actress na si Julia Montes.
May nagtanong kay Ogie na isang netizen tungkol sa diumano’y panganganak ni Julia.
“Mama Ogs, ba’t ‘di pa nagpapakita si Julia Montes?” tanong ng netizen.
Sumagot ang talent manager at nagtuluy-tuloy ang conversation ng dalawa.
Ogie: “Hayaan n’yo muna siyang namnamin ang pagiging ina.”
Netizen: “Ah, so confirmed talaga?”
Ogie: “Hintayin natin si Julia. In time, magsasalita din ‘yon. For now, let’s be happy for them. Hayaan n’yong i-enjoy nila ang isa’t isa.”
Netizen: “Isa’t isa? Sino ‘yung isa?”
Ogie: “Gagah, ‘yung anak niya, hayaan n’yo munang i-enjoy nila ang isa’t isa.”
Dahil sa palitan nila ng mga salita, muling binuhay ng netizen ang isyung ‘panganganak’ ni Julia kung saan pati si Coco Martin na sinasabing ama ay hindi nakaligtas sa mga batikos ng mga netizens.
“OMG so the news is true!!! If Coco Martin is the father I’m sorry but this is just my personal opinion on the matter… I lost my respect on Coco. This is me, not to offend the fans.”
“Sana lang, hindi si Coco ang ama!! Kasi deserve ni Julia ang ipagmalaki sa ibang tao. Unlike Coco, palagi siyang idini-deny.”
“So, totoo? WALA KA PALA COCO, EH, SA TV KA LANG MATAPANG, MAGING AMA KA NAMAN!!! ‘DI KA DAPAT IRESPETO.”
“Kung kay Coco ang baby, dapat matagal na inamin ni Coco at ‘di siya makikipaglandian kay Yassi.”
Komento pa ng ibang netizens, gusto nila ang pagiging straightforward ni Ogie. ‘Di raw kasi takot ang talent manager-cum writer na i-share ang mga totoong isyu.





Comments