top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Dahil mas compatible daw kayo sa Astro-Numerology... BEBOT NA SA SANDALING MAGING BF SI MR. LIBRA AY

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 26, 2019
1 min read

Dear Maestro,

Sa edad kong 41, nara­ramdaman kong malapit na akong tumandang dalaga, pero may mga ka-chat ako at kaibigan sa social media.

Gayunman, isa na kaya sa kanila ang mapa­pa­ngasawa ko? September 10, 1977 ang birthday ko.

Tatlong lalaki ang re­gular kong nakaka-chat at naging malapit na rin ang loob namin sa isa’t isa. Una, si Mr. Aquarius na isini­lang noong February 6, 1977; pangalawa, si Mr. Sa­­gittarius na isinilang noong December 1, 1975 at ang pangatlo ay si Mr. Libra na isinilang noong October 13, 1976.

Sino sa tatlong lalaking ito ang ka-compatible ko at isa na kaya sa kanila ang makakasama ko sa pagbuo ng masaya at pangha­bambuhay na pamilya?

Umaasa,

Maria ng San Vicente, Angono, Rizal

Dear Maria,

Ayon sa zodiac sign mong Virgo, hindi mo ka­tugma si Mr. Aquarius, ga­yundin si Mr. Sagittarius, sa halip, ang tunay na katugma mo ay si Mr. Libra.

Dagdag pa rito, ang birth date mong 10 o 1 (ang 10 ay 1+0=1) ay compatible din sa birth date na 13 o 4 (1+3=4) ni Mr. Libra , kaya sa pag-aanalisang Astro-Numerology, walang duda, si Mr. Libra ang higit mong ka-compatible sa tatlong lalaking bahagi ngayon ng iyong buhay.

Sa susunod na mga araw o sa paglipas ng ilan pang mga buwan, tiyak ang ma­gaganap, tuluy-tuloy nang yayabong ang inyong relas­yon at pagmamahalan hang­gang sa personal kayong mag­kita at sa sandaling nag­kita kayo, magkaka­palaga­yan kaagad kayo ng loob, sa ban­dang huli, tulad ng nasabi na, dahil compatible kayong da­lawa, kayo na ang magka­katuluyan at magsasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pa­milya na nakatakdang ma­ganap sa susunod na taong 2020, sa edad mong 43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page