top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

CIGNAL-ATENEO, NAKAHAKBANG NA SA PLAYOFFS NG D-LEAGUE

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 26, 2019
1 min read

PORMAL na umusad ang Cignal-Ateneo sa playoffs ng 2019 PBA D-League matapos durugin ang Batangas-EAC, 90-46, kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nagposte ng 19 puntos si Tyler Tio habang nagdagdag ng16 puntos si Matt Nieto, 10 dito ay isinalansan niya sa first half upang pamunuan ang naturang panalo ng Blue Eagles na nag-angat sa kanila sa markang 7-1, panalo-talo.

Nag-ambag naman si William Navarro ng double-double 13 puntos at 11 rebounds kasunod si Isaac Go na may 11 puntos para sa panalong nagpatatag ng kanilang pamumuno sa Aspirants Group.Tuluyan namang napatalsik sa kontensiyon ang Batangas-EAC na pinangunahan ni JP Magullano na may 12 puntos sa pagbagsak nila sa kartadang 2-6. Nauna rito, pinasadsad ng Valencia City Bukidnon-SSCR ang University of Perpetual, 106-75, upang makalapit sa target na playoff berth.

Namuno si RK Ilagan sa naturang panalo ng Golden Harvest sa itinala nitong 27 puntos, 7 rebounds, 7 assists, at 2 steals. Buhat sa 48-40 nilang bentahe sa first half, umalagwa ang Golden Harvest sa third period makaraang umiskor ng 33 puntos upang maitayo ang 81-56 na kalamangan sa pangunguna ni Ilagan. Sanhi ng kanilang panalo, tumabla ang Valencia-SSCR sa Metropac-San Beda sa ikalawang puwesto ng Foundation Group hawak ang markang 5-1, panalo-talo. (VA)

Mga laro sa Lunes JCSGO Gym, Cubao

1 p.m. - McDavid vs Ironcon-UST

3 p.m. - Che’Lu Bar and Grill vs Cignal-Ateneo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page