top of page

Bumabaha sa gitna ng bundok at nakakita ng dapat

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 26, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Reine Lhan ng Reine_Lhan_Cathe­rine _Pardito@facebook. com

Dear Professor,

Napadadalas ang pa­naginip ko na bumabaha sa gitna ng bundok at na­kakakita ako ng dagat.

Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Reine Lhan

Sa iyo Reine Lhan,

Ang panaginip mo na pagbaha sa bundok ay nag­sasabing gustung-gusto mong magtagumpay sa bu­hay, kaya lang ngayon ay hindi ka makagalaw o wala kang magawa para akyatin ang bundok ng tagumpay.

Pansinin mo, iha, ang mga salitang “tugatog ng tagumpay”, “rurok ng ta­gumpay at “tuktok ng ta­gumpay”, ‘di ba, ang mga salitang ito ay nagpapaalala sa iyo ng salitang “bundok”?

Ito ang patunay na nga­yon ay gusto mong maabot ang tugatog, rurok o tuktok ng iyong tagumpay.

Kahit nasabi na sa itaas na hindi mo ito magagawa ayon sa panaginip mo, ito pa rin ay masuwerteng balita para sa iyo dahil ito ay nag­bibigay-diin na kahit hindi gaanong maganda ang iyong sitwasyon ngayon ay hindi pa rin namamatay ang ningas ng iyong pangarap.

Ang dagat ay simbolo mismo ng pangarap ng tao. Minsan, mahirap paniwa­laan, pero nasubukan mo na bang maupo sa tabin-dagat ng may katagalan at ikaw na ang magsasabi na sa mga oras na ikaw ay nakaupo roon ay hindi mo naiwasang mangarap?

Kung hindi mo pa nasu­subukan, subukan mo nang sa gayun ay ikaw na mismo ang magsasabi na sa tabin-dagat mo binuo ang iyong mga pangarap.

Ang tubig ay simbolo nang dalisay at wagas na ka­ligayahan at kapag ito ay napanaginipan, ang taong nanaginip ay mayroong hin­di gaanong magandang love life at kung sakaling siya ay may love life, ito ay nagsa­sabing hindi siya maligaya sa taong kanyang minama­hal.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page