BEERMEN, HINDI NAGPAAWAT SUMAMPA NA SA FINALS
- BULGAR

- Apr 26, 2019
- 2 min read

UMUSAD sa championship round ang San Miguel Beer matapos nilang pagulungin ang top seed Phoenix FuelMasters, 105-94 kagabi sa Game 5 ng PBA Philippine Cup best-of-seven semifinals sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Tumikada sina Chris Ross at Alex Cabagnot ng tig-24 at 22 points ayon sa pagkakasunod upang tulungan ang Beermen na ilista ang 4-1 serye at mag-abang ng makakalaban sa finals.
Nagpakitang gilas agad ang Beermen sa unang dalawang periods, hinawakan nila ang 12-point lead, 51-39 sa halftime.
Hindi nagpabaya sa third period ang San Miguel, lumobo pa sa 15 ang kanilang bentahe, 85-70 papasok ng fourth.
Samantala, sisikapin ng Magnolia Hotshots na tapusin ang Rain or Shine sa Game 6 ngayong alas-7 ng gabi sa Ynares Center, Antipolo.
Tangan ang 3-1 serye, isang hakbang na lang ang Hotshots at sasampa na sila sa finals.
Nadapa muna ang Pambansang Manok Magnolia sa Games 1 at 2, biglang bumangis at kinalawit ang Games 3,4 at 5 upang mamuro sa pag-usad sa championship round.
Muling kakapitan ni Magnolia head coach Chito Victolero sina center Ian Sangalang at point guards Mark Barroca, Paul Lee at Jio Jalalon para patalsikin ang No. 2 seed Elasto Painters.
“We will try. The goal is to win four games to win the series. We will try to close it out Friday because we know Rain or Shine can also come back,” saad ni Victolero.
Para kay Victolero, kailangan lang nlang ipagpatuloy ang kanilang game plan upang makuha ang inaasam na panalo.
“We just tried to be consistent playing Magnolia Hotshots basketball which is more of a defensive mindset. We just try to focus more on our defense, bring their score under 90 points,” ani Victolero.
Kailangan naman ng Rain or Shine na manalo upang makahirit ng do-or-die Game 7., ibabangga naman nila sina two-time Most Valuable Player, (MVP) James Yap, center Beau Belga at Gabe Norwood. (ATD)
Laro Ngayon
(Ynares Center-Antipolo)
7:00 p.m. - Rain or Shine vs Magnolia





Comments