top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Alamin mula kay Señor... KAALAMAN TUNGKOL SA MGA ESPIRITUWAL NA PERSONA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 26, 2019
  • 1 min read

Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy sa ka­sagutan sa email ni Russel ng Russel_Russel@ facebook.com

Sa iyo Russel,

Noong nakaraan ay ibinahagi natin ang ilang pa­niniwala kung kailan malapit ng mamatay ang tao. Ngayon ay isa-isahin natin ang mga nabanggit na senaryo.

Kaya may namamatay kapag umaalulong ang aso dahil may kakayahan itong makita ang hindi nakikita ng tao o ‘yung mga kaluluwa at espiritu tulad ng multo, aswang at maging si kamatayan. Si kamatayan ay espirituwal na persona kaya nakikita siya ng aso.

Ang pagpapakita ng kuwago o owl ay dahil ang ma­mamatay ay dumaraing.

Medyo mahirap paniwalaan dahil bihira lang ang naka­aalam nito, pero sa mga lugar na may kuwago, hin­di lingid sa kanilang kaalaman na ito ay kumakain ng daga, pero maki­kitang hindi lahat ng laman ng daga ay kinakain dahil ang kinakain lang nila ay laman-loob.

Kaya nga ang kuwago ay madalas na makapambik­tima ng mga kambing at manok.

Dahil dito, sinuwerte ang kuwago at ang minalas ay ang taong pinagbibintangang aswang.

Bukod pa rito, ang kuwago kahit na hindi ma­gan­dang ibon ay maihahalintulad sa magandang babae at guwa­pong lalaki, kaya kung papansinin ninyo, halos magkatunog ang kuwago at guwapo.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page