top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Aktor, biglang-tanda, madir ng anak, yummy na uli… JOHN LLOYD, NAGMUKHANG TIYUHIN NI ELLEN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 26, 2019
  • 1 min read

MARAMI ang ginulat ni Ellen Adarna sa nai-post na photo niya sa Instag­ram kung saan makikitang sexy na uli ang dating sexy star at parang hindi ito nanganak.

Whole body ang kuha kay Ellen na nakasuot ng black bra at bagama’t medyo balot ang kanyang lower part, labas ang kan­yang tiyan kaya makiki­tang sexy na uli si Ellen pag­katapos ma­nganak sa ba­by nila ni John Lloyd Cruz.

Kaya naman may ilang nagtatanong kung may balak pa kayang bumalik sa pagpapa-sexy ang dating sexy star kaya ayan, idi­nispley na uli nito ang kanyang body na noon ay pantasya ng kalala­kihan.

Ang ipinagtataka lang namin, si Ellen ang nanganak at kung tutuusin, iisipin mong nalosyang na siya after giving birth, pero heto, fresh at sexy nga uli ang sexy star, samantalang ang kanyang partner na si John Lloyd Cruz came out with a beard and goatee na akala mo’y isang ermitanyo nga naman.

Tuloy, ‘pag pinagtabi mo ngayon sina John Lloyd at Ellen, parang tiyuhin ng sexy actress ang tatay ng kanyang anak.

Ano nga kaya’ng gustong patuna­yan ni JLC at bakit happy na siya sa hitsura niya ngayon na malayung-malayo sa John Lloyd Cruz na tinilian at kinakiligan ng mga fans noon?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page