60 patay sa pagbaha at mudslides
NASAWI ang 60 katao matapos ang pagbaha at mudslides sa Durban City at KwaZulu-Natal Province sa South Africa.
Noong mga nakaraang araw, nabatid na nakaranas ng malakas na pag-ulan ang timog at silangang bahagi ng bansa.
Ayon kay President Cyril Ramaphosa, nasa 1,000 katao ang inilikas dahil sa pagbaha.
Rumagasa umano ang baha sa business establishments, kabahayan at dalawang unibersidad.
Inaasahan ang patuloy na pagbaha at malalakas na hangin sa coastal areas habang nakataas pa rin ang severe weather warning.





Comments