40% ng tax ng national gov’t., ibigay sa LGY— IMEE
- Madel Moratillo
- Apr 26, 2019
- 1 min read

HINIKAYAT ni Senatorial candidate at Ilocos Norte Gov. Imee Marcos ang sangay ng Ehekutibo na bumuo ng mekanismo para mapabilis ang paglalabas ng 40% ng Internal Revenue Allotment (IRA) ng mga local government unit na epektibo simula sa susunod na taon.
Kasabay nito, pinuri ni Marcos ang desisyon ng Korte Suprema na pagtibayin ang nauna nitong desisyon na itaas ang IRA ng mga lokal na pamahalaan.
Kumpiyansa ang gobernadora na malaki ang maitutulong nito para mas mapalakas ang mga LGU sa pagbibigay-serbisyo-publiko at maibigay lahat ng pangangailangan ng nasasakupan nito.
Sa desisyon ng Korte Suprema, nakasaad na kasama na sa IRA ang tariff and duties na nakolekta ng Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs, 50% para sa value-added tax, 30% sa national tax na nakolekta sa Autonomous Region in Muslim Mindanao, 60 percent of national taxes mula sa exploitation and development ng national wealth, 85 percent ng excise tax mula sa tobacco products at bahagi sa buwis sa prangkisa.





Comments