4 turista tinangay | RESORT NIRATRAT, 2 UTAS
ISANG British aid worker at Nigerian ang patay sa insidente ng pamamaril at kidnapping sa resort sa Nigeria.
Isa sa mga nasawi ay kinilalang si Faye Mooney, communications at learning specialist at nagtatrabaho sa Mercy Corps bilang aid worker.
Nabatid na ilang armadong kalalakihan ang umatake sa Kajuru Castle Resort sa Kaduna City.
Nagpaputok ang mga ito dahilan para masawi ang dalawa saka tinangay ang apat na turista.
Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga awtoridad para masagip ang mga biktima.





Comments