top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

3 mag-uutol, tiklo sa droga

Mylene Alfonso
Apr 26, 2019
1 min read

ARESTADO ang anim katao kabilang ang tatlong magkakapatid dahil umano sa pagbebenta ng iligal na droga sa mismong bahay sa Taguig City.

Nasakote ang magkakapatid kasama ang tatlo pang suspek kung saan nakuhanan ang mga ito ng P20,400 halaga ng droga.

Ayon sa police report, sina Jerwin Mendiola, 39; Jorge Mendiola, 41, at Epitacio Mendiola, Jr., 48; na mga pawang residente ng Palingon-Tipas, Taguig City, ay nahuli ng mga kapulisan at ng Philippine Drug Enforcement Unit matapos silang magbenta ng shabu sa isang asset noong Abril 15.

Arestado rin sina Arjuna Cruz, 39; Andrew Victor Arcega, 37, at Mark Lester Magbalana.

Samantala, hinihinalang kamag-anak ng magkakapatid na Mendiola ang tumatakbong mayor at congressman sa Taguig na sina Arnel at Allan Mendiola Cerafica.

Napag-alamang ang ilan pang personalidad na naaresto dahil sa iligal na droga sa Taguig noong mga nakaraang taon ay napabalitang miyembro ng isa pang political family sa lungsod.

Matatandaang, ang mga miyembro ng Tinga Drug Syndicate na sina Joel Tinga at Elisa “Ely” Tinga ay nasentensiyahan ng reclusion perpetua dahil sa umano’y pagbebenta ng droga noong September 2016 at February 2017.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page