Tserman arestado sa boga
- Pabs Hernandez III
- Apr 25, 2019
- 1 min read
MASBATE — Isang barangay chairman ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya nang makumpiskahan ng baril kamakalawa sa Bgy. Cabas-an, Aroroy.
Kinilala ang suspek na si Chairman Aniano Capinig, nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na sinalakay ng pulisya ang bahay ni Capinig sa bisa ng search warrant at dito nakumpiska ang baril at mga bala na walang kaukulang mga dokumento.
Nakapiit na si Capinig na nahaharap sa kasong illegal possession of firearm and ammunitions at paglabag sa election gun ban.





Comments