Therapist, patay din | 76 YRS. OLD PINAGBABARIL NG UTOL, TODAS

PATAY ang 76-anyos na U.S. citizen at therapist nito habang sugatan naman ang kanyang stay-in nurse, matapos pagbabarilin ng kanyang kapatid sa Bgy. Little Baguio, San Juan City.
Kinilala ang mga nasawi na sina Catalino Bañez, 76, at Ma. Teresa Antiquera, sugatan naman si Rhea Antonio.
Naaresto naman ang suspek na si Roberto Bañez, 59, kapatid ni Catalino.
Alas-8:30 ng gabi, nanonood ng telebisyon ang mga biktima sa bahay ni Catalino nang pumasok ang suspek at bigla na lang silang pinagbabaril.
Bagama’t, sugatan si Antonio, nagawa nitong makatakas at makahingi ng tulong.
Rumesponde ang mga awtoridad ngunit, sa halip na sumuko ang suspek ay nakipagbarilan ito. Kinailangan pang hagisan ng teargas ang suspek bago ito naaresto.
Ayon kay Police Col. Ariel Pulo, mainit ang ulo ng suspek nang dumating at basta na lang namaril. Ito na umano ang ikalawang pag-aamok ng suspek kung saan 2014 nang barilin nito ang isang driver ngunit, hindi nakulong dahil hindi nagreklamo ang pamilya ng biktima.
Sinasabi ring gumagamit ng iligal na droga ang suspek na isang drug surrenderee.





Comments