Tanod binaril sa ulo, todas
Levi Gonzales
Apr 25, 2019
1 min read

PATAY ang isang barangay tanod matapos barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang lalaki sa Pittland Casile Rd., Bgy. Pittland, Cabuyao, Laguna.
Alas-7:45 ng umaga, namamasada ng kanyang habal-habal ang biktimang si Michael Javier, 41, ng Bgy. Diezmo.
Pagpasok sa nasabing lugar, sumulpot ang mga suspek saka siya binaril sa ulo bago nagsitakas. Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng cal. .45.
Patuloy na ang imbestigasyon sa insidente.





Comments