P-Digong, mas galit sa naipasok na basura ng Canada kaysa sa tonetoneladang shabu ng China?
- BULGAR

- Apr 25, 2019
- 2 min read
P-DUTERTE, MAS GALIT SA BASURA KAYSA SHABU — Nagbanta si P-Duterte na magdedeklara raw siya ng giyera sa Canada kung hindi kukunin ang basura nito na naipasok sa bansa.
Tapang, ah, pero sa China na nagpapasok ng tonetoneladang shabu sa bansa, dedma lang si P-Duterte.
Dahil diyan, lumabas na ang tunay na pagkatao ni P-Duterte, na mas galit pala siya sa basura kaysa shabu, boom !
◘◘◘
P-DUTERTE MATAPANG SA CANADA, ATRAS SA CHINA — Kung ang tapang na ipinakikita ni P-Duterte sa Canada ay kasing tapang ng ipinakikita niya sa China, aba, hahangaan siya ng mayoryang Pinoy at ng mundo.
Mantakin n’yo, dahil lang sa basura, gusto na ni P-Duterte na giyerahin ang Canada pero, ang China na bukod sa nagpapasok ng shabu, nang-aapi at nangmamaltrato ng mga mangingisdang Pinoy at sumakop pa sa mga isla at karagatan ng Pilipinas pero, ang presidente ng Pilipinas, nganga lang!
◘◘◘
MARAWI, 2 BESES DINUROG NI P-DUTERTE — Dalawang beses dinurog ni P-Duterte ang Marawi City. Una, dinurog sa bomba at pangalawa, dinurog sa salita.
Sa kanyang speech sa Pampanga, ito ang sinabi ni P-Duterte, “hindi ako maggasta ng ano. Maraming pera ang mga tao diyan. Every Maranao there is a businessman. Kasali na ‘yung shabu, may pera sila.”
Mantakin n’yo, pinaasa ang mga taga-Marawi na aayusin ang kanilang mga bahay matapos ipabomba para mapuksa ang mga Maute-ISIS, tapos, makalipas ang halos dalawang taon, saka niya mistulang sinabihan ang mga Maranao nang, “bahala na kayo sa buhay n’yo,” hu-hu-hu.
◘◘◘
MGA KUBRADOR NG LOTTENG, KALAT NA SA CALOOCAN CITY — Nagkalat na raw ngayon ang mga kubrador ng lotteng sa Caloocan City.
Kailan kaya ipatotokhang ni Caloocan City Police Chief Col. Restituto Arcangel ang mga nagpapalotteng sa jurisdiction niya? Abangan!





Comments