May tumawid na aso | NAKAMOTOR SUMEMPLANG, PATAY
- Paul Lamsen
- Apr 25, 2019
- 1 min read

ISANG mister ang nasawi makaraang sumemplang habang sakay ng motorsiklo kamakalawa ng hapon sa Bgy. Palaming, San Carlos City, Pangasinan.
Kinilala ang nasawi na si Gerry de Guzman, nasa hustong edad, may asawa at naninirahan sa nabanggit na lugar.
Batay sa imbestigasyon, galing sa isang kasiyahan si De Guzman at pauwi na sakay ng motorsiklo nang may bigla umanong tumawid na aso.
Hindi nito nakontrol ang manibela hanggang sa sumemplang ito na sanhi ng kanyang pagkabagok at pagkamatay.





Comments