Matapos ang magkakasunod na lindol | PABAHAY, SIGURUHING MATIBAY

PINASISIGURO na matibay ang konstruksiyon ng mga government housing unit matapos ang magkakasunod na lindol.
Ayon kay Atty. Imelda Cruz ng Partido ng Bayan ang Bida Partylist, mahalagang masiguro na ligtas at matibay ang mga pabahay ng gobyerno, gayundin ang iba’t ibang instruktura kasunod ng mga lindol na naging dahilan ng pagguho ng ilang establisimyento.
Samantala, isusulong sa Kongreso ang mura, disente at abot-kayang pabahay sa mga Filipino kasunod ng ulat na mahigit 6 milyon ang backlog ng gobyerno sa housing units.





Comments