top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Malinaw ayon sa palad... BABAENG NAKATAKDANG MAKATULUYAN ANG LALAKING DATING KINAIINISAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 25, 2019
3 min read

KATANUNGAN

  1. Maestro, naniniwala ka ba sa “destiny”? May la­laki akong iniiwasan, pero nagtataka ako dahil palagi kaming pinagtatagpo.

  2. Una, marami akong pinag-apply-ang universi­ties dahil pabagu-bago ako ng isip kung saan ako mag-aaral, tapos hindi ko akalain na ru’n din sa school na ‘yun nag-aaral ‘yung lalaking ini­iwasan ko at pareho pa kami ng course.

  3. Dahil gusto ko siyang iwasan, imbes na morning session ay inilipat kong lahat ang mga subject ko sa after­noon session. Kaya lang nag-afternoon session din siya kasi may part-time job pala siya sa umaga.

  4. Kaya kahit ayaw ko sa kanya, naging magka-classmate kami at minsan ay nagkakasabay pa kami sa jeep at bus. Para maiwasan ko siya, sa paradahan na lang ako ng FX sumasakay kahit hindi ko masyadong kabisa­do ru’n, pero laking-gulat ko isang araw pagsa­kay ko sa FX ay nandu’n siya sa huli­han at ‘yung ka­isa-isang ba­kan­teng upuang natira ay sa tabi pa niya. Lalabas sana ako at bababa, pero sabi ng caller na ma­ta­gal pa raw darating ‘yung susunod na FX dahil traffic daw, kaya sumakay na rin ako dahil ayaw kong ga­bihin sa daan.

  5. Dahil magkatabi kami sa upuan, nagkaku­wentuhan kami nang matagal-tagal, pero feeling ko ang bilis ng oras at parang sandali lang ang na­ging kuwentuhan namin. Ha­bang kakuwentuhan ko siya, ewan ko ba masaya ako at napan­sin kong ganundin siya. Parang matagal na kaming magkakilala at walang boring na sandali. Nang bumaba ako sa Bocaue at siya naman ay sa Balagtas, bitin at parang gusto ko pa ulit siyang ma­kasakay at makausap.

  6. Ano sa palagay ninyo, Maestro, pag-ibig na kaya itong nararamdaman ko sa kanya? Alam ninyo, tuwing makikita ko siya sa class­room, campus at kahit saan sa school, masayang-masaya ako at parang kumpleto ang araw ko kahit hin­di na kami nagkukuwentuhan, sa halip ay nagbabatian na lang.

  7. Sa gabi, kahit gusto ko ng matulog, hindi maka­idlip ang aking diwa dahil pasok siya nang pasok kahit ayaw ko siyang papasukin sa aking isipan.

  8. Kaya lang bakit ga­nu’n, parang ayaw kong ami­nin sa sarili ko na mahal ko siya? Since high school ay na­iinis talaga ako sa kanya, pero ngayon hindi ko alam kung paanong nangyaring parang may special na akong pagtingin sa kanya.

  9. Siya na kaya ang lala­king nakagu­hit sa aking mga palad na magiging unang boyfriend ko at makakasa­ma, habambuhay?

KASAGUTAN

  1. Sabi ng hindi nagpaki­lalang awtor: “Sometimes, what you want isn’t always what you get, but in the end what you get is so much better than what you wan­ted”. Oo naman, minsan iyong hindi mo hinahanap ang dumara­ting at du’n ka higit na mas na­giging maligaya!

  2. Tulad ng karanasan mo ngayon, Elsa, deny ka nang deny sa sarili mo na hin­di mo gusto ang lalaking si­nasabi mo, pero ang irony of life, pilit na pinagtatagpo ng tadhana ang inyong landas.

  3. Ang totoo, kadalasan, ganyan talaga ang nangyayari sa kapalaran ng mga taong kuwatro kung saan sa um­pisa, hindi nila gusto ‘yung lalaki, pero sa hindi sinasad­yang pag­kakataon, ‘yung hin­di nila gusto ang napu­punta sa kanila at sa bandang huli, ru’n nga sila nagiging maligaya.

  4. Kabaligtaran naman nito, kapag ‘yung napunta sa taong kuwatro ay ‘yung taong gus­tung-gusto talaga niya, umasa kang du’n na­man siya mabibigo at luluha.

  5. Habang, ayon sa napa­kaganda mong Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad na kinumbinas­yunan pa ng maayos at matino ring kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.), walang alinlangan, sa unang pag-ibig na kunwari ay inaayawan mo pa, ito pala ang nakatakdang mag­bigay sa iyo ng matagumpay at maligayang pag-aasawa, habambuhay.

DAPAT GAWIN

Halos ganu’n nga ang manyayari sa iyong kapalaran sa larangan ng pag-ibig, Elsa, kung saan ayon sa iyong mga datos, tiyak ang maganap, ang kasalukuyang lalaking class­mate mo na dati mong iniiwasan, pero ngayon ay palagi mong nakikita at nakakasabay, ang siya na ngang magiging first and last boyfriend mo at sa bandang huli, ang bubuuin ninyong relasyon ay mamumunga ng maligaya at pangha­bambuhay na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page