top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Luzon, Visayas, Mindanao magkakasunod na nilindol | EARTH, NAGPAPARAMDAM — DENR

  • V. Reyes
  • Apr 25, 2019
  • 1 min read

ANG sunud-sunod na lindol sa bansa ay maaari umanong “pagpaparam­dam” ng mundo dahil may mensahe itong nais iparating, sabi ni Environment Secre­tary Roy Cimatu nitong Mi­yerkules.

Baka paraan ito ng pag­paparamdam ng Earth. Sabi niya ‘yayanigin ko [ito] some more,” sabi ni Cimatu.

Matatandaang, noong Lunes, niyanig ng Magni­tude 6.1 na lindol ang Central Lu­zon, Magnitude 6.5 sa Vi­sayas noong Martes at si­nun­dan pa ng Magnitude 4.5 aftershock sa Castillejos, Zambales.

Naitala naman kahapon ang magka­sunod na lindol sa Davao Occidental at Davao Orien­tal bago mag-alas-12:00 ng tanghali ng Miyer­kules.

Unang naitala ng Philip­pine Institute of Volcano­logy and Seismology (Phivolcs) ang Magnitude 4.5 sa layong 374 kilometro ng Sarangani, Davao Occidental na may lalim na 270 kilometro.

Wala namang naiulat na intensity at aftershocks at hin­­di na inaasahan na mag­dudulot ng pinsala.

Sumunod namang ni­yanig ng Magnitude 4.7 ang Baganga, Davao Oriental alas-11:43 ng umaga.

May lalim na 11 kilo­metro ang lindol na tectonic ang origin. Naitala ang ins­trumental Intensity 1 sa Bis­lig City, Su­rigao del Sur.

Ayon kay Henry Peña­rubia, Science Research Specialist ng Phivolcs, wa­lang inaasahang pinsala sa naturang mga lindol sa Da­vao na normal na rin uma­nong nararanasan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page