top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Lolo, hinataw ng kahoy sa ulo, dedbol

Pabs Hernandez III
Apr 25, 2019
1 min read

QUEZON — Isang 60-anyos na lolo ang namatay nang paluin ng kahoy sa ulo ng magkapatid na kanyang nakaalitan kamakalawa sa Bgy. Binahian, Lopez.

Kinilala ang biktima na si Celso Manalo, magsasaka at nakatira sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, nakaalitan ni Manalo ang magkapatid na sina Nickson at Evelyn Utalla kaya pinalo siya ng kahoy sa ulo ng mga suspek.

Nabatid na namatay sa pinangyarihan ng krimen si Manalo, samantalang, pinaghahanap na ng pulisya ang mga suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page