FAITHFUL WIFE VS. EASY TO WIN SA WTA
- Ding Taboy
- Apr 25, 2019
- 2 min read

AALAGWA ngayon ang pitong karera para sa Condition Race, Group Race, 3 Year Old Group Race at 3 Year Old Maiden Race sa Santa Ana Park, Naic, Cavite ngayong gabi.
Sa Race 1, siyam na kabayo ang bibitawan sa pag-alagwa ng Condition Race (18) at ipinapatok ang Sultry Giulia, habang ang couple entry na Heart and Soul, Right As Rain at Olympic Gold ang siyang makakalaban na umpisa ng Winner Take All (WTA).
Sa Race 2, kung saan magsisimula ng Pick 6 nakalalamang ang Easy To Win at makakalaban ang couple entry na sina High Grader at Faithful Wife habang ang Wings In My Feet ay para sa mga dehadista sa tagpo ng Group Race (8-9).
Nakalalamang ang Buenos Aires habang ang Pilya ang posibleng tumalo at naroroon din ang Maker’s Mark sa panimula ng Pick 5 sa Race 3. Ipinapatok din ang Love Affair habang ang Go Marty Go ang siyang makakalaban ng mahigpit at naroroon din ang Dominatore sa Race 4 ng Condition Race (16).
Sa Race 5, magkakasagupa ang Inter State, Princess Arianna at Vanquisher sa 3 YO Group Race (7).
Nakalalamang ang Money In My Pocket laban sa Warrior Heart sa paghaharap sa Condition Race (20) sa Race 6. Sa Race 7, nakalalamang ang All Heart habang ang Viva Forever ang posibleng tumalo habang ang Manlot Island ay laging naroroon sa tagpo ng 3 Year Old Maiden Race.
Tip ni Mang Ding: Race 1-Sultry Giulia (2) Entry No.5 Race 2- Easy To Win (7) Entry No. 2 Wing In My Feet (1) Race 3- Buenos Aires (1) Maker’s Mark (4) Pilya (3) Race 4- Love Affair (4) Go Marty Go (1) Race 5-Inter State (2) Princess Arianna (4) Race 6- Money In My Pocket (1) Shalom (6) Race 7- All Heart (8) Viva Forever (7)





Comments