Digong, umaming laging may kasamang doktor | “AYOKONG MAMATAY SA CANCER”

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumasalang siya sa blood test kada ikalawang araw.
Sinabi nito na ito ay dahil sa kanyang sakit na Buerger’s disease na nakuha dahil sa paninigarilyo noon.
Umaasa ang pangulo na hindi siya matamaan ng TB at lung cancer dahil ang ugat umano ng mga nabanggit na sakit ay ang matinding paninigarilyo.
“I’m 74 years old, I do not want to die of TB. I do not want to die of lung cancer. As a matter of fact, I got — I acquired Buerger’s disease from smoking. That is why my doctor is here. She gets my blood. Almost every other day,” pahayag ng pangulo.
Ito rin ang nagbunsod sa presidente upang ipagbawal sa Davao City ang paninigarilyo sa publiko noong alkalde pa ito at ngayong pangulo ng bansa ay naglabas ito ng Executive Order na nagtatakda ng smoking ban sa lahat ng pampublikong lugar sa bansa.
Samantala, tumulak na ang pangulo patungong China para dumalo sa Belt and Road Forum.





Comments