Avengers: Endgame, 24 oras. sa Pilipinas
- Bulgar Online News Bits
- Apr 25, 2019
- 2 min read

2008 nang umpisahan ng Marvel Studios ang saga na minahal ng buong mundo. Ngayong, dumating na ang pagtatapos ng Marvel Infinity Saga sa pelikulang Avengers: Endgame.
Ang Avengers: Endgame ay ang pang-22 pelikula ng Marvel Cinematic Universe.
Ito ang inaasahang huling pagsasama-sama ng mga pinaka-iniidolong superhero sa Marvel. Ang mga karakter na sinundan ng mga manonood nitong nagdaang mga taon na sina Iron Man (Robert Downey Jr.), Captain America (Chris Evans), Thor (Chris Hemsworth), Black Widow (Scarlett Johansson), Clint Barton (Jeremy Renner), at Hulk (Mark Ruffalo).
Sasamahan pa sila ng iba pang malalakas na superhero para ipagtanggol ang buong mundo sa huling pagkakataon sa makasaysayang pelikulang ito.
Sa pagpapalabas ng huling Avengers movie sa buong mundo, isa lang ang hiling ng mga direktor na sina Anthony at Joseph Russo na huwag i-spoil ang pelikula sa mga hindi pa nakakanood dahil masisira lang ang thrill nito.
Kahapon lamang (Abril 24) sa first showing ng Avengers: Endgame ay nag-trending na ang #DontSpoilTheEndgame sa internet. Ito ay bilang paalala na huwag natin sirain ang pananabik ng mga tao sa pelikula at ang pagod ng mga direktor na gumawa nito para lamang ikwento ito.
At dahil nga ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na may pinakamalaking fanbase ng Marvel Universe, magbubukas ng 24 hours ang mga malls sa bansa para sa screening ng pelikula.
Ang ilan sa mga malls na ito ay:
SM (April 24-28) - North EDSA, Megamall, Mall of Asia, Aura, Podium, Light Mall
Newport Mall (April 24-28)
Vista Malls (April 24-28) - Evia Lifestyle Center, Vista Taguig, Vista Las Piñas, Vista Sta Rosa, Vista Bataan, Vista Pampanga, Vista Daang Hari, Vista Naga, Vista Iloilo, Vista Gen Tri, Vista Tanza
Gateway Mall (April 24-27)
Fisher Mall Quezon City (April 24-May 1)
Power Plant Mall Rockwell (April 27-May 1)




Comments