top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pahiwatig na kailangan ng bagong lakas

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 24, 2019
1 min read

Salaminin natin ang pa­naginip ni Lheby ng Lheby_Quinto@facebook. com

Dear Professor,

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na natulog ako sa puwesto ng kinaka­sama ko, tapos, pinagsa­sak­sak nila ako kaya uma­gos ang dugo sa hinihigaan ko, pagkatapos, bigla akong nagising, hinawakan ko ang tiyan ko, pero wala namang sugat?

Naghihintay,

Lheby

Sa iyo Lheby,

Alam mo, para magka­roon ng dagdag na bagong life force ang tao, kailangan muna na magkasugat siya at lumabas ang dugo sa kan­yang katawan.

Mahirap paniwalaan ang katotohanang ito, pero pinatutunayan ng agham ng medisina na kapag naba­wasan tayo ng dugo, ang reaksiyon ng bone marrow o ‘yung bahagi ng buto na malambot sa pinakaloob ay gagawa ng bagong dugo at hindi lang ang ating lakas ang mananariwa kundi ang ating mismong katawan.

Pero siyempre, medyo nakatatakot ang ganitong proseso ng human body da­hil sino ba naman ang gus­tong masugat at dumugo ang katawan?

Pero sa mani­wala tayo o hindi, minsan, kailangan sa buhay natin na masugatan tayo o may lu­mabas na dugo sa ating sugat.

Kaya lang, hindi ito pa­la­ging nangyayari dahil ta­yong mga tao, takot sa dugo kaya iwas na iwas tayong masugatan. Dahil dito, may pagka­ka­taon na kailangan natin ang bagong lakas sa ayaw at sa gusto natin.

Sa ganitong pangyayari, ang iiral na batas sa pag-a­analisa ng panaginip ay ang madalas nating binabanggit na “kapag naganap na sa mun­do ng panaginip, hindi na magaganap sa reyalidad “dahil nga “naganap na”.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page